Sunday, October 9, 2011

Ang kwento ng pagmamahal.

Isa sa mga pangyayari sa buhay ko na sa tingin ko ay diko kakayanin ay ang mwala c lola. Halos araw araw laman sya lagi ng isip ko,di ako makatulog,hirap kumain,bumyahe at maglakad sa daan ng diko sya naiisip,kahit anong waksi ko mayamaya nasa isip ko n nman sya. Si lola, na kinalakihan ko at nagbgay sa akin ng sobrang pagmamahal at atensyon hanggang sa edad ko na nato. Lahat ng pangako saken nung bata ako e tinupad nya,walang palya un, at mula sa shampoo,sabon,pulbo,cologne,lotion, laruan at damit ay sya ang number 1 sponsor ko. Mahal na mahal ako ni lola at lagi nyang sinasabi sa akin un, at sya din ang unang taong nagmulat sa akin n mahal ako ng Diyos at mahal ng Diyos ang lahat ng tao mabuti man o masama. Sa edad n tatlo ay natuto na din ako magrosary dahil s kanya. Sa gabi, puro kwento ng kabataan nya, sa araw puro kwento ng kabataan ko. Napagagalitan din ako oo naman, pero mas maraming beses ako napagsabihan kesa sa napagalitan. May panahon na nahilig ako sa pagaalaga ng pusa,cguro nsa elementary pa ko nun. Lahat ng tao nainis sa akin nun dahil marumi daw ang pusa kahit paliguan ko pa, pero si lola tuwang tuwa dahil ang bait daw ng pusa ko at inaalagaan ko daw tlga mabuti dahil tuwing nsa eskwela ako hinahanap hanap ako nun.pag kauwi ay sinasalubong pa. Madami akong ala-ala kay lola lalo na nung nagcollege at nagttrabaho nako,maraming beses nya ng nataboy ang mga lungkot na hndi ko alam kung san nanggagaling,hahawakan lng nya kamay ko tapos sasabihin nya "do not worry about anything, God loves you anyway, just pray always". Nakakamiss talaga. Nasabi ko din kay lola na marunong na ko tumugtog ng gitara pero hindi ako magaling marunong lang,tapos tuwang tuwa sya dahil magagamit ko daw un pagnagworship ako. Lahat ng mahahalagang bagay at pangyayari sa buhay ko ay alam ni lola,minsan natatawa sya sa akin at minsan naman nagugulat,pero sobrang srap sa pakiramdam na may nsasabihan ako ng sekreto at komportable p ko dahil lola ko at sobrang mahal ako.

Hindi lahat ng gusto ni lola ay nagawa ko, madami din akong palpak. Pero wala kong naramdaman na tampo o inis galing sa kanya. "Its okay" lng ang naririnig ko sa kanya. "Its okay, there are many next time"...

Ngaun, tuwing naiisip ko ang madaming next time na linya na yun..nkakalungkot. Pero pagnaiisip ko na ayaw ni lola ng nagaalala at nalulungkot ay natitigilan ako.

0o,malungkot na sa malungkot ako..pero ang dami kong napagtanto sa pagkawala ni lola, madami din akong natuklasan sa sarili ko, at madami akong gustong gawin ngayon mas dumami kesa dati : )

Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmamahal at pagsisilbi ni lola. Lahat ng malulungkot na pangyayari bago sya mawala ay napalitan lahat ng ala ala nya. Ang sakit ng pagkawala nya pero alam kong masaya sya ngaun at ipagdadasal ko sya palagi. Masaya na rin ako kahit papano dahil nagpapahinga n sya ngaun at magaan na ang pakiramdam nya. Sabi nga nya..mahaba haba pa lalakarin at madami dami pa kakainin ko. Hwag lng akong makalimot magdasal kahit anong mangyari.


La...madaming madaming salamat sa lahat. Ayos lang ako dito..tatandaan ko lahat ng sinabi m0.. Kaya ko to ;)

No comments:

Post a Comment