Saturday, August 13, 2011

May mas sasama p ba?

Maganda ang panahon..masaya si haring araw pero may mantsa ng pagkamadilim ang mga ulap. Pumasok sa aking isip na mukhang may posibilidad bumuhos ang kaunting ulan..kaunti lng nman. Cge magddala ako ng payong. Sumakay ng pampasaherong dyip. Dalawampung minuto ang dumaan hndi pa ko nakakababa ay bglang bumuhos ang nangangalit na ulan akala mo taong nagtimpi at napuno at bglang sumabog nlng ang galit nito.
Sobrang lakas na nabasa ako kahit may payong ako, hndi lng pla sya galit..nangaasar pa dahil may ksama pang malakas na hangin. mabuti n lng at anjan na ang bus..tamang tama hndi puno at nakaupo ako..pwede na solb ang umpisa ng araw.
pagkaupo ko..may naaamoy akong kakaiba. amoy ipis ba ito..ah-hndi..ung kurtina cguro ilang taon nang hndi pinapalitan...taas ko muna pra hndi ko maamoy. ok na..mukhang ang kurtina nga..lumipas ang tatlong minuto..meron prin? ano kia tong nangangamoy? ung katabi ko nagttka na dahil akala nya cguro me sarili akong mundo at hndi pa mapakali sa kinauupuan. maya maya gumalaw ang bus..napalapit ang mukha ko sa salamin ng bintana ng bus. hndi lng mukha nakita ko pa to dahil nahagip ng mata ko! laman-laman ito ng napisang ipis dahil pinalo ng kung hndi dyaryo e tsinelas! o kung ano man ang ginamit pampatay dito wla na kong pakialam basta mabaho at lalo akong hndi mapalagay konti nlng at magccolapse na ang baga ko! 

30mins dn ang nagdaan! natiis ko un! maya-maya--blooooouuugggsh.(sound effect) nabangga ang bus! nagkabanggaan ang bus at dyip n magkatabing bumabyahe. ilang minuto pa nagsibabaan n ang mga tao..anak ng tilapya :D iiyak na ba ko..umpisa plng ng araw to..hello? good vibes nsan ka pwede ba wag m nman akong dedmahin? sumuko dn ako..bumaba ksama ng mga pasahero. pagkababa ko umpisa na ng pagalingan sa paghhanap ng masskyan at pabilisan ang mga tao. ang talo..LATE sa trabaho!

Nung una aun mern akong nakita..pagtingin ko sa tabi ko isang lola ang kakompetensya ko-ayoko cge lola una kna sa dyip kahit mukhang hndi k nman sa opis mukhang pauwi kna..huwaaa..ok sumakay c lola. lumipat ako ng pwesto..sa unahan pra mas wlang nagmmdaling tao..aun meron! ang bilis meron dn kagad umagaw! c lolo naman..aray ko ang sakit n ng ulo ko dahil sa pagaalala sa oras..lalong bumibilis at lalo kong nagiging late! sumuko na ko sa dyip at siniksik sarili ko sa isa pang bus. mainit..nakatayo...ang sikiiiiiip...bumaba ako..isang oras na LATE..badtrip..

Maiksi plng to at may kadugtong pa pauwi pero dko na ikkwento baka matawa nlng kayo sa araw ko.alam kong meron pang mas 'nakakainis at nakakaasar' na simula ng araw kumpara dito..
hay naku... mabuti nlng at meron akong kwentong ganito..dahil kung wala..kahit papaano hndi ko msasabing ang buhay ay sadyang makulay..hndi lahat swak..hndi lahat sakto..hndi lahat masaya..hndi lahat madali..at higit sa lahat...lahat ng mga pangyyri kahit gaano ka masalimuot at mabigat ay nakakayang dalhin ng isang tao..lahat ng mga pangyyri ay lumilipas at nakakalimutan..napapalitan ng bagong pangyyari at magppatatag sayo sa mga susunod na mga darating pang araw.. wlang nagsasabing masama mainis o maasar sa ganitong mga pagkakataon..ang masama ay kapag nadamay mo sa inis mo ang mga tao sa paligid mo na wla nmang kaalam-alam sa totoong nangyyri sayo..kia tuwing may ganito akong mrranasan ult..iicpin ko nlng bukas iba nman..ganun tlga :)

1 comment:

  1. agree ako...may mga bad trip days nga...pero looking forward na lang dapat sa adventures ng next day...minsan may naiiwang bakas ang previous days but no choice tayo kelangan kalimutan at mag move on kasi kung matatali tayo sa mga nakaraan e lalo tayong male-'late' di ba?....la lang...

    ReplyDelete